Anak ng mayor, sibilyan, sawi sa aksidente

Share this information:

Nasawi ang anak ng mayor ng isang bayan sa Batangas matapos banggain nito ang isang poste ng kuryente sa Brgy. Soro-Soro sa Batangas City kamakailan.

Nakilala ang biktima na si Mark Patrick Dimayuga, 21 anyos, at anak ni San Pascual, Batangas Mayor Antonio Dimayuga, na residente ng  Brgy. San Mariano.

Isang sibilyan na nakilala bilang si Nelson Gutierrez, 22 anyos, at isang security guard, ang nasawi din matapos ang insidente.

Bandang alas 5:30 ng hapon noong Sabado, galing ang sasakyan na minamaneho ni Dimayuga sa Brgy. Concepcion at patungong Brgy. Balagtas, Batangas.

Pagsapit sa National Highway sa Brgy. Soro-Soro ay nawalan ito ng kontrol matapos nitong tangkain na mag-overtake sa isang sasakyan na nasa kanyang harapan.

Nasapol nito si Gutierrez na noon ay nakatayo sa gilid ng kalsada at naghihintay ng masasakyan saka bumangga ang sasakyan sa isang poste ng kuryente.

Nagtamo ng malalang sugat sa ulo si Gutierez na kanyang agad na ikinamatay.

Si Dimayuga naman ay agad na dinala sa pinakamalapit na pagamutan ngunit hindi na ito umabot pang buhay.

Leave a Reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.

Next Post

Palengke, talipapa, atbp., ipapasara sa Navotas

Mon Mar 1 , 2021
Dahil sa pagsirit ng mga kaso ng COVID-19 sa lungsod, ipinag-utos ng pamahalaang lungsod ng Navotas na isara ang mga public market, grocery stores, at talipapa dahil sa pagdami ng mga nahawahan ng COVID-19 sa lungsod. Nilagdaan ni Mayor Toby Tiangco ang Executive Order No. TMT-016 na nagsasaad na tuwing […]

Follow Us

%d bloggers like this: