Pagtuturok ng isang milyong COVID-19 vaccines, target ng gobyerno simulan sa Nobyembre 20

Share this information:

TARGET ng gobyerno na mabakunahan laban sa COVID-19 ang isang milyon hanggang 1.5-milyong kada araw simula sa darating na Nobyembre 20.

Ito ang inanunsiyo ni National Task Force Against COVID-19 (NTF) chief implementer at vaccine czar Secretary Carlito Galvez Jr. sa Talk to the People ni Pangulong Rodrigo Duterte.

Sinabi nito na target din ng pamahalaan na makapagturok ng hindi bababa sa 15 million doses ng COVID-19 vaccine bago magtapos ang Nobyembre.

Para maisakatuparan ito, sinabi ni Galvez na magdadagdag ng apat hanggang limang libong vaccination sites, at i-activate din ang mga mall, paaralan, mga gym, mga kampo at mga lugar sa iba’t ibang tanggapan ng pamahalaan na maaaring magamit para sa mas malawakang pagbabakuna.

Samantala, sinabi ni Galvez na target din ng pamahalaan na makamit ang 90 percent full vaccination sa hanay ng mga guro at school personnel, habang 70 percent naman sa hanay ng mga senior citizen.

Pagdating sa health care workers, sinabi ni Galvez na ang mga fully vaccinated sa kanilang hanay ay bibigyan ng booster shots sa katapusan ng buwan.

Leave a Reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.

Next Post

Kapasidad ng mga pampasaherong barko, dinagdagan na

Wed Nov 3 , 2021
SINABI ng Maritime Industry Authority (MARINA) na dinagdagan na ang kapasidad ng mga pampasaherong barko sa Pilipinas. Sa ipinalabas na Advisory 2021-57, maaari nang magsakay ng mga pasahero ng hanggang 70 percent na kapasidad ang mga barko simula bukas, Nobyembre 4. Kasabay ng pagluluwag, mahigpit pa ring paalala ng MARINA […]
%d bloggers like this: