Dalawang police trainee sa Rodriguez Rizal, arestado matapos ireklamo ng rape

Share this information:

KULUNGAN ang kahahantungan ng dalawang police tranee ng Rodriguez municipal police station matapos umano nilang halayin ang kanilang 23 taong gulang na biktima.

Nakilala ang mga suspek na sina Police trainee Aj Magsino at Police trainee Jack Marquez.

Base sa imbestigasyon, off duty na ang dalawa nang magkayayaan na tumakas sa kanilang quarters para mag-inuman sa labas.

Inimbitahan umano ni Magsino ang biktima na kanyang ka-textmate at saka nila ninaya ni Mqrquez na magcheck-in sa kalapit na motel.

Dito na umano nagwala ang biktima at dumulog sa istasyon ng pulisya.

Agad namang inaresto ang dalawa na sinampahan na ng kasong rape.

Bukod sa kasong kriminal, umuusad na rin ang kasong administratibo para tuluyan na silang matanggal bilang mga police trainee sa regional training center ng Police Regional Office 4A.

Samantala, under restrictive custody naman sa Rodriguez Municipal Police Station ang 10 pa nilang kapwa trainee na kasama nila sa quarters habang pinagpapaliwanag din ang tatlong pulis na nakatalaga bilang mga bantay.

Handa naman daw ang Rodriguez police na bigyan ng proteksyon ang biktima upang maituloy ang kaso laban sa mga suspek.

Leave a Reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.

Next Post

Pagtuturok ng isang milyong COVID-19 vaccines, target ng gobyerno simulan sa Nobyembre 20

Wed Nov 3 , 2021
TARGET ng gobyerno na mabakunahan laban sa COVID-19 ang isang milyon hanggang 1.5-milyong kada araw simula sa darating na Nobyembre 20. Ito ang inanunsiyo ni National Task Force Against COVID-19 (NTF) chief implementer at vaccine czar Secretary Carlito Galvez Jr. sa Talk to the People ni Pangulong Rodrigo Duterte. Sinabi […]
%d bloggers like this: