Breaking News

Share this information:
NILINAW ng Department of Health (DOH) na obligado pa rin ang publiko na magsuot ng face shield bilang dagdag na proteksyon laban sa COVID-19.

Ayon ito kay DOH Usec. Leopoldo Vega, sa kabila ng sinabi ni Pangulong Rodrigo Duterte na gamitin na lamang ito sa loob ng ospital.

"Sinasabi talaga  ng DOH at saka ng IATF na meron talagang mandatory use ng face shields dahil ito ay makapagbibigay ng added protection lalong-lalo na sa mga indoor comnercial places and hospitals," pahayag ni Vega sa isang interbyu sa radyo.

Nilinaw din ni Vega na may mga pagkakataon na puwedeng hindi gumamit ng face shield ang mamamayan kung nasa outdoor o nasa labas kung wala namang nakakasalamuha.

"Pero naman kapag nasa outdoor naman kayo sinasabi naman po na kung nagtatrabaho kayo at magkakapeligro ang inyong visibility at saka hindi naman praktikal at saka yung safety mo ang magiging issue tapos nasa labas naman kayo."

"Alam naman natin talaga mababa ang trabsmission sa labas. May option yan na puwede mong tanggalin at saka yung outdoor kung ikaw ay nag-iisa at saka nagba-bike ka or naglalakad na wala ka namang kasama ay puwedeng optional mo na yan kasi lalo makakapeligro kapag hindi mo makita yung dinadaanan mo," dagdag pa ni Vega.

Leave a Reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.

%d bloggers like this: