NAGPAPATULOY pa umano ang imbestigasyon kaugnay sa nangyari na "wastage" ng mga COVID-19 vaccines sa Makilala, North Cotabato noong Mayo. Ayon kay Department of Health (DOH) Usec. Maria Rosario Vergeire, naglabas na aniya ng rekomendasyon ang mga awtoridad sa North Cotabato nang "for further investigation." Ito ayon kay Vergeire ay dahil wala pang sapat na impormasyon at ebidensyang makuha ukol sa nangyaring insidente. Ayon pa kay Vergeire, hihintayin ang ginagawang imbestigasyon ng Philippine National Police sa nasabing lugar upang malaman kung ano ang maaaring pananagutan ng bawat opisyal sa lugar kaugnay sa wastage. Maaalala na mahigit 300 Sinovac vaccine na para sa mga senior citizen ang nasayang dahil natuklasang hindi nakasaksak ang freezer kung saan nakalagay ang mga bakuna.
2021-06-18

