Pagsibak sa tatlong pulis Maynila, kinumpirma ng MPD director

Share this information:

KINUMPIRMA ni Manila Police District (MPD) Director P/Brig. Gen. Andre Dizon na na-relieve na ang tatlong pulis-Mynila na sangkot sa nangyaring armed encounter sa Sampaloc, Maynila nitong Lunes ng madaling araw.

Ayon sa heneral, ipinag-utos niya na sibakin ang kanyang mga tauhan habang nagpapatuloy ang masusing imbestigasyon sa nangyaring barilan kung saan isang indibidwal ang tinamaan at nasawi.

Sa kanyang kumpirmasyon, sinibak sa pwesto sina PCpl. Jeffrey Toledo, Patrolman Pat Kayang-O na kapwa nakatalaga sa Tactical Motorized Riders Unit o TMRU ng MPD-Station 4, at P/Maj. Rommel Purisima na nakatalaga naman sa District Special Operation Unit o DSOU-MPD.

Ang tatlong pulis ay nakita sa CCTV na nakapalitan ng putok ng naarestong babaeng negosyante na si Kristie Rose Castro y Infante sa kahabaan ng Mindanao St. sa Sampaloc, Maynila kung saan namatay ang kanyang kasambahay na si Reanne Pilar.

Lulan ang suspek ng kanyang Ford Ranger (ABP 1605) nang huminto sa tapat ng isang bahay na sinasabing bahay ni Purisima saka umalis.

Ilang sandali pa, may dumating nang nag-responde ngunit bumalik ang suspek at muling nagpaulan ng bala hanggang sa nauwi sa engkwentro at habulan.

Naharang ang sasakyan ng suspek sa bahagi ng Ramon Magsaysay Blvd. ng mga pulis at dito na rin nalaman na nasawi ang kanyang kasambahay.

Sa ngayon, hindi pa rin batid ang motibo ng pagpapaulan ng bala ni Castro sa harap ng bahay ni Purisima.

Leave a Reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.