Transmission logs ng May 9 elections, nasa Kongreso na

Share this information:

INIHAYAG ng Commission on Elections (Comelec) na available na ang transmission logs kaugnay ng May 9 national at local elections sa Joint Congressional Oversight Committee on the Automated Election System (JCOC-AES).

Sa mga humihingi ng kopya ng naturang datos, sinabi ni Comelec spokesperson Atty. John Rex Laudinagco na maaaring makakuha ng kopya nito mula sa nasabing komite.

This is a voluminous document so we cannot just give it to anyone asking for it. It is better if they get it from the JCOC as this has been submitted under oath and are, therefore, considered as official,” pahayag ni Laudiangco sa isang panayam.

Ayon kay Laudiangco, ang mga dokumento ay isinumite sa JCOC alinsunod sa ilalim ng batas.

A request can be made for the Commission en banc to order the further preservation of the data. Interested parties may also go to the Court to seek issuance of precautionary protection order regarding this,” dagdag pa ni Laudiangco.

Ginawa ni Laudiangco ang pahayag matapos himukin ni dating Department of Information and Communications Technology (DICT) Secretary Eliseo Rio Jr. ang poll body na magbigay sa kanila ng transmission logs upang maberipika ang kanilang mga obserbasyon ng pagkakaiba o discrepancy.

Leave a Reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.