Pagsasampa ng kasong kriminal vs VP Sara, inirekomenda na ng NBI

INIREKOMENDA na ng National Bureau o Investigation (NBI) sa Department of Justice (DOJ) ang pagsasampa ng kasong kriminal laban kay Vice President Sara Duterte.

Ito ay kaugnay pa rin sa death threat kay Pangulong Ferdinand Marcos Jr., First Lady Liza Araneta Marcos, at House Speaker Martin Romualdez. 

Ayon kay NBI Director Jaime Santiago, kabilang sa mga inirekomendang kaso ay ang Grave Threat at Inciting to Sedition. 

Natatandaan noong nakaraang taon nagsagawa ng virtual press conference si VP Sara, kung saan nakipag-kasundo na aniya siya sa isang assassin upang ipapatay si Presidente, First Lady, at House Speaker. 

Agad naman Itinuring ng Malakanyang na isa itong active threat, kasabay ng paghimok sa Presidential Security Group na agad kumilos kung ano’ng nararapat na gawin.

Leave a Reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.