KUMPLETO na ang anim na commissioner ng Commission on Elections (Comelec) na tututok sa nalalapit na halalan ngayong Mayo 2025.
Ito ay matapos na pormal nang nanumpa bilang bagong komiysuner ng Comelec si Atty. Noli Avelino Pipo.
Si Atty. Pipo ang siyang papalit sa nabakanteng pwesto ng nagretirong si Commisioner Marlon Casquejo.
Magiging miyembro ng 2nd Division ng poll body si Pipo, na naging Director din ng Comelec sa Ilocos region.
Pinalitan din ng Comelec legal department head Atty. Maria Norina Tangaro-Casingal ang nagretirong si Commissioner Socorro Inting.
Si Commissioner Casingal ay naglingkod sa komisyon ng mahigit dalawang dekada habang si Commissioner Pipo naman ay mahigit tatlong dekada na sa serbisyo.
Sinabi ni Comelec Chairman George Garcia na ang naging lamang nina Casingal at Pipo sa 200 aplikante ay ang pagiging insider na ng mga ito dahil na rin sa tagal nila sa serbisyo.
Umaasa naman ang dalawang bagong komisyuner na lulusot sa plenaryo ng Commission on Appointments o COA ang kanilang ad interim appointment.
