Breaking News

Share this information:

NAGPAPATULOY ang pagpapatala ng mga aso at pusa, pati na ang vaccination program para sa mga ito, sa bayan ng Samal, Bataan.

Ayon kay Samal Mayor Aida Macalinao, bahagi ang programang ito ng kampanya ng lokal na pamahalaan ng Samal na magkakaroon ng isang bayan na nagsusulong ng “Responsible Pet Ownership.”

Ating siniguro din na nagaganap sa bawat barangay ang registration, vaccination at veterinarian consultation,” pahayag ni Mayor Macalinao. 

Layunin ng programa na iligtas sa panganib ng rabies ang mga mamamayang Samalenyo bukod pa sa pagbabawal sa mga askal o asong kalye sa mga pangunahing kalsada dito. 

Nagpasalamat din si “Yorme Aida” sa lahat ng nakikiisa sa mga programa ng pamahalaang lokas ng Samal na aniya ay nagsusulong ng higit na ligtas, malinis at responsableng pamayanan.

Leave a Reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.

%d bloggers like this: