Breaking News

Share this information:

BAGSAK sa kulungan ang isang helper matapos magwala at pumalag sa mga umaawat na pulis sa Malabon City kamakalawa ng gabi.

Nahaharap sa kasong Alarm and Scandal at paglabag sa Art. 151 ng Revised Penal Code (RPC) o “Resistance and Disobedience to a Person in Authority or the Agents of such Person” ang suspek na kinilalang si Ramiro Reyes, 26 anyos, ng S. Pascual St. Brgy. San Agustin.

Sa report nina PSSgt. Ernie Baroy at PSSgt. Diego Ngippol kay Malabon police chief Col. Joel Villanueva, dakong alas-8:50 ng gabi nang respondehan ng mga tauhan ng Sub-Station 6 ang tawag sa telepono mula sa isang concerned citizen hinggil sa nagaganap na kaguluhan sa S. Pascual Street.

Pagdating sa lugar, naabutan ng mga parak ang suspek na nagsisigaw at gumagawa ng kaguluhan kaya’t nagpakilala silang mga pulis saka inawat si Reyes.

Gayunman, nagpatuloy pa rin ang suspek sa pag-iskandalo at pagwawala na naging dahilan upang arestuhin siya ng mga pulis subalit pumalag ito at itinulak ang mga arresting officer hanggang magawa na rin siyang maposasan.

Leave a Reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.

%d bloggers like this: