Pagbubukas ng face-to-face classes, malaki ang maitutulong sa muling pagbuhay ng ekonomiya — NEDA

Share this information:

POSITIBO ang National Economic and Development Authority (NEDA) sa nakatakdang pagbubukas ng face-to-face classes sa Nobyembre.

Ayon kay Socioeconomic Planning Secretary at NEDA chief Karl Kendrick Chua, malaki ang maitutulong ng pagbubukas ng face-to-face classes para mapigilan ang tuluyang pagkalugi ng ekonomiya.

Sa ngayon kasi ay mayroon nang P11 Trillion na tinatayang mawawala sa ekonomiya sa loob ng 40 taon dahil sa mga nawalang trabaho sa sektor ng edukasyos, kasama na ang mga bumabang productivity ng mga magulang dahil sa pagtutok sa kanilang mga anak sa face-to-face classes.

Paliwang ni Chua, umaasa sya na matapos ang pilot test ng face-to-face classes ay agad din itong palalawigin sa mas maraming paaralan pagdating ng Enero sa susunod na taon.

Samantala, kanya ring sinasabi na maliban sa ekonomiya, makakatulong din ang face-to-face classes sa mental health at productivity ng mga bata.

Pabor naman sya na magpatupad ng alternate class schedule kung saan pwedeng pumasok ng 2 beses sa isang linggo ang mga bata o kaya naman ay pumasok sa loob ng isang linggo pero magpapahinga sa loob ng 2 linggo para mag-quarantine bilang pag-iingat na rin laban sa COVID 19.

Leave a Reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.

Next Post

Pagpapaliban sa eleksiyon sa BARMM, naisabatas na

Fri Oct 29 , 2021
ISA nang ganap na batas ang pagpapaliban sa eleksyon sa Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao (BARMM) at pagpalawig ng termino ng Bangsamoro Transition Authority o BTA. Ito ay matapos lagdaan ni Pangulong Rodrigo Duterte bilang ganap na batas ang panukalang batas na niratipikahan naman ng dalawang kapulungan ng Kongreso. […]
%d bloggers like this: