Pagmamaltrato umano sa mga Pilipina sa temporary shelter sa Damascus, iniimbestigahan na ng DFA

Share this information:

NAG-IIMBESTIGA na umano ang Department of Foreign Affairs sa sinasabing hindi magandang pagtrato sa mga Pilipinong biktima ng human trafficking sa temporary shelter sa Damascus, Syria.

Ayon sa DFA, may ilang tauhan ng embahada na silang iniimbestigahan para sa reklamong administratibo at nagdeploy na rin ng human rights lawyer upang alamin ang katotohanan sa mga alegasyon.

Matapos kasing makatakas mula sa kani-kanilang employer ang mga pinay na biktima ng human trafficking, tumakbo ang mga ito sa Filipino Workers Resource Center sa Philippine Embassy sa Damascus.

Pero sa ulat ng Washington Post, isinalaysay umano ng mga babaeng biktima na masyadong istrikto ang ilang embassy staff at kapag sila ay nagkakamali tulad ng nahuhuli silang dumudukot ng pagkain mula sa kusina ng temporary shelter ay parusa na hindi sila mag-almusal ng dalawang linggo.

Ang mga silid na parang dormitoryo sa temporary shelter ay masyado umanong malamig ay ikinukulong sila ruon gabi-gabi.

Para hindi umano makapagsumbong sa kanilang pamilya ay kinumpiska ang kanilang mga mobile phone.

Ayon sa DFA, agad nilang inaaksyunan ang mga reklamo kasabay na rin ng pagsisikap na makakuha ng exit visas mula sa mga employer ng mga pinay upang mapauwi na ang mga ito sa Pilipinas.

Leave a Reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.

Next Post

Manhunt sa mga pulis na sangkot sa pagkamatay ng mga sundalo sa sulu, inilunsad na

Mon Jan 25 , 2021
NAGPAPATULOY na ang manhunt operation ng pulisya sa mga nasibak na pulis na isinasangkot sa pagkamatay ng apat na sundalo sa Sulu nuong nakaraang taon. Sa isang event sa Camp Bagong Diwa sa Taguig City, sinabi ni Philippine National Police (PNP) chief Police General Debold Sinas na nasa Jolo na […]

Follow Us

%d bloggers like this: