“Fixer” ng LTO, patay sa pamamaril sa Laguna

Share this information:

PINAGBABARIL hanggang sa mapatay ng tinatayang anim na armadong lalaki ang isang umano’y “fixer” sa Land Transportation Office (LTO) sa Areza Compound, Barangay Canlalay, Binan City, Laguna kaninang hapon.

Tadtad ng tama ng bala ng baril ang biktimang si Nelson Areza, kapatid ng kilalang negosyanteng nagmamay-ari ng Hyundai Cars Store sa nabanggit na lungsod na si Cesar Areza.

Base sa kuha ng CCTV footages, bandang ala 1:50 ngayong hapon nang puntiryahin ang biktima ng tatlong suspek na sakay ng tatlong motorsiklo.

Pinagbabaril ang biktima sabay tumakas papalayo sa lugar.

Wala nang buhay nang maisugod si Areza sa Ospital ng Binan, ayon sa mga doktor.

Patuloy ang isinasagawang imbestigasyon ng pulisya sa naturang krimen.

Leave a Reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.

Next Post

Pagmamaltrato umano sa mga Pilipina sa temporary shelter sa Damascus, iniimbestigahan na ng DFA

Mon Jan 25 , 2021
NAG-IIMBESTIGA na umano ang Department of Foreign Affairs sa sinasabing hindi magandang pagtrato sa mga Pilipinong biktima ng human trafficking sa temporary shelter sa Damascus, Syria. Ayon sa DFA, may ilang tauhan ng embahada na silang iniimbestigahan para sa reklamong administratibo at nagdeploy na rin ng human rights lawyer upang […]

Follow Us

%d bloggers like this: