Manhunt sa mga pulis na sangkot sa pagkamatay ng mga sundalo sa sulu, inilunsad na

Share this information:

NAGPAPATULOY na ang manhunt operation ng pulisya sa mga nasibak na pulis na isinasangkot sa pagkamatay ng apat na sundalo sa Sulu nuong nakaraang taon.

Sa isang event sa Camp Bagong Diwa sa Taguig City, sinabi ni Philippine National Police (PNP) chief Police General Debold Sinas na nasa Jolo na ang tracker teams ng Criminal Investigation and Detection Group, Intelligence Group, at Police Regional Office – Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao para tugisin ang mga dating pulis.

Gayunpaman, sinabi ni Sinas na mayruon na ring negosasyon para sa pagsuko ng iba sa mga nadadawit na pulis at kanya nang tiniyak ang kaligtasan ng mga ito.

Gayunman, tumanggi si Sinas na idetalye kung ilan mula sa siyam na pulis na wanted ngayon ang nais na sumuko.

Nuong Enero 14 nagpalabas ng arrest warrant ang Jolo, Sulu Regional Trial Court laban sa 9 na dating pulis na isinasangkot sa pamamaril at pagpatay sa Philippine Army intelligence officers na sina Major Marvin Indamog, Captain Irwin Managuelod, Sergeant Eric Velasco, at Corporal Abdal Asula nuong Hunyo 29, 2020 habang sila ay nasa kalagitnaan ng misyon na tuntuntin ang suicide bombers.

Leave a Reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.

Next Post

PH invokes UNCLOS over disputed sea

Tue Jan 26 , 2021
FIRING at foreign ships in the disputed South China Sea is unacceptable, says Malacañang following Beijing’s  passage of a law that explicitly allows its coast guard to fire on vessels and demolish structures built in contested waters. Presidential spokesperson Harry Roque said states should follow the United Nations Convention on […]

Follow Us

%d bloggers like this: