Paglilikas sa mga residenteng apektado ng pagsabog ng Bulkang Taal, patuloy

Share this information:

PATULOY ang ginagawang evacuation sa mga residente sa mga lugar na apektado ng pagsabog ng Bulkang Taal.

Ayon sa Philippine Coast Guard (PCG), katuwang nila ang Philippine Air Force (PAF) sa paglikas ng 39 na mga residente ng Sitio Duhat, San Gregorio, Laurel, Batangas.

Inihatid sila sa San Gregorio Integrated School na matatagpuan sa Sitio Kulit na kasalukuyang nagsisilbi bilang evacuation center. 

Naka-standby naman ang iba pang  personnel at assets  ng Coast Guard Station Batangas and Operational Control units dahil sa posibleng epekto ng alert status.

Leave a Reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.