Paghalik sa krus at altar sa Holy Week, hindi inirerekomenda ng DOH

Share this information:

SA papalapit na Holy Week, hindi inirerekomenda ng Department of Health (DOH) ang paghalik sa altar at krus sa gitna ng COVID-19 pandemic.

Ang Holy Week ay mula Abril 10, Linggo hanggang Abril 16, Sabado.

Sinabi ni DOH Undersecretary at Spokesperson Maria Rosario Vergeire sa media forum na ang SARS-CoV-2 virus ay maaring maisalin sa pamamagitan ng respiratory droplets na maaari namang maipasa sa iba kung hahalik sa isang poon na hinalikan na ng paulit-ulit.

Sinabi ni Vergeire na pinayuhan na at hinimok ng health department ang mga Simbahan na pansamantalang huwag munang ituloy ang kinaugalian.

Meron naman po tayong mga iba pang bagay o ways kung paano tayo makakapag show ng ating devotion sa ating mga santo, sa ating mga pinupuntahang simbahan,” sinabi ni Vergeire.

Sana po itong practice na ito maiwasan para hindi na tayo magkaroon ng pagtaas ng kaso kung saka-sakali dahil sa practice na ito,” dagdag pa ni Vergeire.

Hindi rin hinihikayat ng DOH ang pagpapapako sa krus dahil maaari itong magdulot ng malaking pinsala sa isang indibidwal.

Babala ni Vergeire, ang pagpapapako sa krus ay magdudulot ng blood loss, tetanus, at ibang uri ng mga impeksiyon.

We request and we recommend no, a-advise po natin sa ating mga kababayan, kung maiiwasan naman po, maaari naman po tayo, katulad ng sabi ko, sumamba sa ating Panginoon sa ibang paraan.”

Leave a Reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.