Single-shot na COVID-19 vaccine na Janssen, nakalaan sa ilang populasyon bilang booster

SINABI ng Department of Health (DOH) na sa kabila ng pagbibigay ng Emergency Use Authorization (EUA) para sa COVID-19 vaccine ng Johnson & Johnson (J&J), ito ay nakalaan para sa ilang populasyon.

Ipinaliwanag ni DOH Undersecretary at Spokesperson Maria Rosario Vergeire na ang single-jab vaccine na binuo ng Janssen Pharmaceuticals ng J&J, ay homologous.

Nangangahulugan na maaari itong ibigay bilang booster sa mga nakatanggap nito bilang kanilang pangunahing bakuna.

Gayunpaman, sa assessment, sinabi ni Vergeire na nagpasya ang DOH na huwag nang ibigay pa ang Janssen bilang booster, kung isasaalang-alang ang limitadong supply at dahil mas mainam itong itabi para sa mga “hard to reach” at vulnerable na mga indibidwal, ayon kay Vergeire.

Meron kasi tayong ginagawa na guidelines operationally, assessing the situation and assessing the demand and our supplies. Nakita natin na ‘wag na muna nating ibigay na booster ang J&J. Mas magiging epektibo tayo sa ating pagpapatupad ng ating bakunahan kung magbigay na muna tayo ng ibang klase ng bakuna na meron tayo,” sabi ni Vergeire.

We are reserving our J&J vaccines para po doon sa mga hard-to-reach population, para doon sa mga vulnerable population natin kasi single-dose lang ‘to and we don’t need to worry anymore ‘pag sa second dose,” dagdag pa nito.

Batay sa European Union (EU) noong Abril 19, 2021, nilinaw nito na ang Janssen ay bahagi ng kumbinasyon para sa mga booster doses. Ngunit ayon sa Advisory Board ng NVOC (National Vaccination Operations Center), hindi pa ito nararapat sa pagpapatupad dahil sa logistical concerns.

Hiniling ni Vergeire sa publiko na huwag maging mapili sa tatak at kunin ang pangunahing bakuna at booster doses na kasalukuyang magagamit dahil lahat sila ay epektibo laban sa COVID-19.

Nauna nang sinabi ni Dr. Isagani Padolina ng Vaccine Expert Panel (VEP) ng gobyerno na ang mga klinikal na pagsubok ay nagpakita na ang Janssen  ay may “kakayahang palakasin ang mga konsentrasyon ng antibody” anim na buwan pagkatapos ng pangunahing serye ng mga bakunang mRNA tulad ng Pfizer o Moderna, na binanggit ang data na inilabas ng World Health Organization (WHO).

Sinabi rin ni Padolina na ang pangalawang dose ng isang mRNA jab ay “naghihikayat din sa pag-neutralize ng mga konsentrasyon ng antibody” sa mga nakatanggap ng dose ng Janssen ng apat hanggang 22 beses na mas mataas kaysa sa pangalawang dose ng Janssen.

Leave a Reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.