Breaking News

Share this information:

NANINIWALA si Senator Francis “Tol” Tolentino na ang justice system sa bansa ay gumugulong at epektibo pa din at patunay rin na hindi nagpapabaya ang pamahalaan.

Ginawa ng senador ang kanyang pahayag sa Kapihan sa Manila Bay kaugnay sa pagsuko ng sinasabing gunman sa pagpaslang sa broadcaster na si Percy Lapid.

Pinuri din ng senador si Department of the Interior and Local Government Secretary Benjamin “Benhur” Abalos Jr. dahil sa bilis ng kilos ng mga kapulisan at hindi nagpabaya na busisiin ang “root cause” sa pagpaslang kay Lapid.

Sinabi ni Tolentino na mayroong “effective working judiciary” ang bansa, na kahit mabagal man o hindi ay umiikot o gumugulong pa rin ang katarungan.

Suportado rin ni Tolentino ang pagpapaimbestiga ni Senator Ramon “Bong” Revilla, Jr. sa umano’y pagkakasangkot ng mga inmates sa New Bilibid Prison (NBP) sa Muntinlupa.

Sinasabi kasi ng gunman na si Joel Estorial na galing sa NBP ang kumontrata sa kanya para patayin ang broadcaster.

Samantala, nagpahayag din ng suporta si Tolentino kay Justice Secretary Boying Remulla sa paninindigan nito na maging “hands off” sa kinakaharap na kaso ng kanyang anak.

“Yung calls for resignation ni Secretary Remulla, eh mali yun—hayaan natin siyang magtrabaho,” sabi pa ng senador.

Leave a Reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.