Pagdiriwang ng ika-120 taong anibersaryo ng MPD, pinangunahan ni Yorme Isko

Share this information:

Pinangunahan ni Manila Mayor Francisco “Isko Moreno” Domagoso ang pagdiriwang ng ika-120 taong founding anniversary ng Manila Police District (MPD) sa MPD headquarters sa U.N. Avenue, Maynila.

Bilang bahagi ng pagdiriwang, nagkaroon ng “wreath-laying” ceremony kung saan nag-alay ng bulaklak sa “heroes wall” ng mga napaslang na mga miyembro ng  MPD dahil sa pagtupad nila sa kanilang mga tungkulin.

Sa maikling programa  na may temang “‘Sang Siglo’t Dalawang Dekada ng Maipagkakapuri, Pamamarisan at Dangal ng Paglilingkod  sa Kamaynilaan na Pinatatag ng Pandemya  at Pagsubok,” naging highlight ang pagbibigay ng award o pagkilala  sa pangunguna pa rin ni Mayor Isko kasama ni Manila Vice Mayor Honey Lacuna-Pangan  sa mga karapat-dapat  o deserving na mga MPD personnel at stakeholders lalo na sa panahon ng pandemya.

Sa kanyang talumpati, sinabi  ng alkalde na sa kanyang isang taon at anim na buwang panunungkulan, ipinagmamalaki nito ang mga  kapulisan ng Maynila sa pamumuno ni MPD Director P/Brig. General  Leo Francisco dahil sa pagpapatupad mg kaayusan at katahimikan sa Maynila.

Muli rin itong nagbabala sa mga kriminal dahil ang mga kapulisan aniya ng MPD ay hindi napapagod na gampanan ang kanilang tungkulin na naayon  na rin sa kanyang mga direktiba.

Ayon kay Domagoso, ang pagbabago ay ang pagtanggap ng katotohanan.

Pinuri din ni Domagoso ang mga kapulisan ng MPD dahil sa tiyaga at high tolerance nila   sa mga tolongges at mga kawatan na kanilang naaresto.

Aniya, malaking bagay ang pagpapatupad ng mga alituntunin  na ibinibigay ng mga kapulisan  lalo na ngayong panahon ng pandemic.

Nagpasalamat naman si General  Francisco sa lokal na pamahalaan dahil sa 100 porsyentong suporta nito sa kapulisyahan ng MPD kapalit naman ng maayos nilang pagseserbisyo sa lungsod.

Ayon kay  General Francisco, sa kanyang panunungkulan bilang director ng MPD, lalo pa nitong pinaigting ang mga ordinansa sa Maynila na mahigpit ding binabantayan gayundin ang health protocol upang maiwasan ang  banta at pagkalat ng COVID-19.

Leave a Reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.

Next Post

Mga bagong kaso ng COVID-19, muling pumalo sa higit 2 libo

Wed Jan 27 , 2021
Nakapagtala muli ng mataas na bilang ng mga bagong kaso ng COVID-19 ngayong araw, Enero 27, kung saan pumalo ito sa 2,245 kaso. Dahil dito, umakyat na sa 518,407 ang kabuuang kaso ng sakit sa bansa habang ang aktibong kaso naman ay umabot na sa 32,384. Nasa 140 naman ang […]

Follow Us

%d bloggers like this: