Doktor, hindi “tuob/suob” kapag may sintomas ng COVID — DOH

Share this information:

Kumonsulta sa doktor at hindi “tuob/suob” ang sagot kapag may sintomas ng COVID-19 ayon sa Depatment of Health (DOH).

Pinabulaanan ng DOH at World Health Organization (WHO)  ang impormasyon na nakagagaling ang “steam inhalation” o paglanghap ng steam na may asin, lemon at iba pa.

Ayon sa DOH, konsultasyon pa rin ang mainam  na gawin kapag nakakaranas ng simtomas ng COVID-19 at hindi ang tuob o suob .

Ipinaliwanag din ng kagawaranwala pang syentipikong pag-aaral  na nakakapagpatunay na nakagagaling ang steam inhalation o tuob.

Bukod dito, posible pang mapasama ang virus sa singaw  na maaring pagmulan ng pagkalat ng sakit.

 Ang steam inhalation ay nagpaparami ng secretions (likido) sa ilong na posibleng makahawa sa iba sa pamamagitan ng pagbahing o pag-ubo.

Ginawa ng kagawaran ang babala matapos kumalat ang impormasyon na ang isang “tuks cells aromatherapy” na maihahalintulad sa tuob, ay mas mabisa umano sa bakuna laban sa COVID-19. 

Leave a Reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.

Next Post

Pagdiriwang ng ika-120 taong anibersaryo ng MPD, pinangunahan ni Yorme Isko

Wed Jan 27 , 2021
Pinangunahan ni Manila Mayor Francisco “Isko Moreno” Domagoso ang pagdiriwang ng ika-120 taong founding anniversary ng Manila Police District (MPD) sa MPD headquarters sa U.N. Avenue, Maynila. Bilang bahagi ng pagdiriwang, nagkaroon ng “wreath-laying” ceremony kung saan nag-alay ng bulaklak sa “heroes wall” ng mga napaslang na mga miyembro ng  […]

Follow Us

%d bloggers like this: