Mga bagong kaso ng COVID-19, muling pumalo sa higit 2 libo

Share this information:

Nakapagtala muli ng mataas na bilang ng mga bagong kaso ng COVID-19 ngayong araw, Enero 27, kung saan pumalo ito sa 2,245 kaso.

Dahil dito, umakyat na sa 518,407 ang kabuuang kaso ng sakit sa bansa habang ang aktibong kaso naman ay umabot na sa 32,384.

Nasa 140 naman ang karagdagang gumaling sa sakit dahilan para maging  475,542 na ang total recoveries.

Umabot naman sa 10,481 ang mga namamatay na sa virus dahilsa karagdagang 95 na pumanaw.

Ang Baguio City na kalapit probinsya ng Bontoc Province kung saan natukoy ang iba pang kaso ng UK variant ay nakapagtala ngayong araw ng 121 na kaso.

Gayundin ang Cebu City na nakapagtala rin ng kaparehong bilang  ng kaso.

Ang Davao City naman ay 102 kaso habang ang Quezon City ay mayroong 87 at 81 naman sa Pangasinan.

Leave a Reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.