Pagdami ng kaso ng “suicide” sa gitna ng pandemya, pina-iimbestigahan ng Kamara

Share this information:

ISANG resolusyon ang inihain sa Mababang Kapulungan na nagpapa-imbestiga sa tumataas na bilang ng mga nasasawi sa suicide at iba’t-ibang mental health issues sa panahon ng COVID-19 pandemic.

Sa House Resolution 2312, hinihiling nito sa kaukulang komite ng Kamara na magdaos na pagsisiyasat “in aid of legislation” sa sinasabing nakaka-alarmang dami ng insidente ng suicide sa gitna ng pandemya.

Sa resolusyon, tinukoy ang ulat ng Philippine Statistics Authority o PSA na nasa 57 percent ang itinaas ng suicide rate sa Pilipinas nuong 2020.

Batay pa sa ulat ng PSA, mula sa ika-31 puwesto noong 2019 ay umakyat na sa ika-25 puwesto ang suicide sa listahan bilang nangungunang dahilan ng pagkamatay noong nakaraang taon.

Sa kabuuan, 4,420 ang namatay dahil sa suicide noong 2020 kumpara sa 2,810 noong 2019.

Nakasaad sa resolusyon na ang mga numerong ito ay nagpapakita ng malaking kakulangan sa implementasyon ng National Mental Health Act.

Iginiit din na kailangang matugunan ng pamahalaan, partikular ng Department of Health (DOH) at iba pang kaukulang ahensya ang usapin ng mental health ng publiko, sa pamamagitan ng “pro-active at accessible” na mga programa at serbisyo.

Leave a Reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.