Hawaan ng Covid-19 sa NCR, bahagyang tumaas

Share this information:

TUMAAS ang reproduction number o bilis ng hawaan ng Covid-19 sa National Capital Region (NCR).

Ayon kay Dr. Guido David ng Octa Research, nasa 0.48 ang reproduction number mula sa 7-day average cases kumpara sa 0.46 na naitala nuong nakalipas na linggo.

Pero naniniwala naman si Dr. David na hindi nagkakaroon ng pagtaas ng kaso ng covid19 sa NCR lalo pat bumaba ang average cases.

Nasa 975 naman ang 7-day average cases na naitatala ngayon sa metro manila. Sa kabila nito, kailangan pa rin na ipatupad ang minimum health standards gaya ng pag iingat sa 3cs o closed spaces, crowded places at closed contact settings.

Leave a Reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.

Next Post

Pagdami ng kaso ng "suicide" sa gitna ng pandemya, pina-iimbestigahan ng Kamara

Mon Oct 25 , 2021
ISANG resolusyon ang inihain sa Mababang Kapulungan na nagpapa-imbestiga sa tumataas na bilang ng mga nasasawi sa suicide at iba’t-ibang mental health issues sa panahon ng COVID-19 pandemic. Sa House Resolution 2312, hinihiling nito sa kaukulang komite ng Kamara na magdaos na pagsisiyasat “in aid of legislation” sa sinasabing nakaka-alarmang […]
%d bloggers like this: