Pilipinas, nasa kategoryang “low risk” sa COVID-19

Share this information:

SINABI ni Department of Health (DOH) Undersecretary Maria Rosario Vergeire na nasa ilalim na ngayon ng kategoryang “low risk” sa COVID-19 ang buong Pilipinas.

Ito ang ini-anunsyo ni Usec. Vergeire bunga ng patuloy na pagbaba ng mga kaso ng COVID-19 sa bansa at unti-unting pagbagal ng bilis ng hawaan.

Ayon kay Vergeire, nakapagtala ang DOH ng negative growth rate sa loob ng dalawang linggo.

Gayunman, tinukoy ni Vergeire na mayroon pa ring anim na rehiyon ang nasa ilalim ng moderate risk classification kabilang ang Region 2, 9, Cordillera Administrative Region (CAR), Region 4-B, Region 1 at National Capital Region.

Ang mga Rehiyon na 2, 5 at 9 naman ay may mataas pa ring utilization rate ng ICU bed.

Leave a Reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.

Next Post

Pagtaas ng sitting capacity sa mga pampublikong sasakyan, inirekumenda na sa IATF - DOTR

Mon Oct 25 , 2021
INIREKUMENDA ng Department of Transportation o DOTR sa Inter Agency Task Force o IATF na itaas na ang sitting capacity sa mga panpunlikkong sasakyan mula sa 5 percent sa ngayon. Sa consultative meeting ng Senate Subcommittee on Finance, sinabi ni Atty. Mark Steven Pastor, DOTR Assistance Secretary for Road Transport […]
%d bloggers like this: