Pagbili ng mga COVID-19 vaccine, inihahanda na sa Bataan

Share this information:

BALANGA CITY — Pinaghahandaan na ng pamahalaang panlalawigan ng Bataan ang pagbili ng bakuna kontra COVID-19.

Ayon kay Bataan Governor Albert Raymond Garcia, noong unang linggo pa lamang ng Disyembre 2020 ay nagsimula na siyang makipag-ugnayan sa mga kinauukulan upang masiguro ang pagkakaroon ng sapat na suplay ng bakuna sa lalawigan.

Kabilang sa mga nakausap ng kapitolyo ang Senior Vice President for Commercial Vaccines ng Moderna Therapeutics na si Patrick Bergsted at kinatawan ng Zuellig Pharma Corporation na si Janneth Jakosalem.

Nakipagpulong din sila kay Vaccine Czar Secretary Carlito Galvez Jr., Department of the Interior and Local Government at Department of Health upang maipatupad ang pagbabakuna sa lalawigan sa lalong madaling panahon.

Dagdag ni Garcia, naghahanda na ang pamahalaang panlalawigan upang lumikom ng sapat na pondo katuwang ang mga nasasakupang pamahalaang bayan at lungsod at mga pribadong kumpanya upang maipagkaloob ng libre ang bakuna sa publiko.

Pinag-aaralan na rin ang sistematikong pag-roll out sa oras na dumating na ito.

Kasabay nito ay ang paghahanda ng priority list na kinabibilangan ng mga frontline health worker, senior citizen at mga mahihirap.

Ani Garcia, ang bakuna kontra COVID-19 ang magbibigay ng kasiguruhang matagal nang hinihintay upang ganap na mapuksa ang pandemyang nagpapahirap sa buhay at kabuhayan ng kanyang mga kababayan.

Makakaasa aniya ang mga mamamayan na ginagawa ng kapitolyo ang lahat ng makakaya nito upang masigurong maaabot ng bakuna ang bawat Bataeño.

Leave a Reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.

Next Post

Vaccination simulation held in Mandaluyong City

Fri Jan 22 , 2021
Getting ready for the mass vaccination was what the Mandaluyong City government had in mind when it held a simulation of its own vaccination process recently. The simulation activity, led by Mandaluyong City Mayor Menchie Abalos herself and other city officials, was held at the Pedro P. Cruz Elementary School in Barangay […]

Follow Us

%d bloggers like this: