Pagbebenta, pag-inom ng alak, bawal na sa Quiapo sa panahon ng pista ng Nazareno

SA bisa ng isang kautusan, ipinagbabawal na ng lokal na pamahalaan ng lungsod ng Maynila ang pagbebenta at pag-inom ng alak sa bisinidad ng Quiapo upang mapanatiling payapa ang Pista ng Itim na Nazareno.

Sa inilabas na Executive Order No. 1 series of 2024 na pirmado ni Manila Mayor Honey Lacuna nitong Huwebes, ay ipagbabawal ang pagbebenta ng alak mula Enero 8 hanggang Enero 10 upang umano ay mapanatili ang katiwasayan sa naturang selebrasyon.

Whereas, in order to promote peace and order during the celebration of the Feast of the Black Nazarene, it is necessary to prohibit the sale of liquor and other alcoholic beverages within the Quiapo area particularly within the 500 meter radius of the Minor Basilica of the Black Nazarene,” ayon sa kautusan.

Inatasan rin ang Manila Police District (MPD) na mahigpit na ipatupad ang Ordinance No. 555 na nagbabawal sa pag-iinuman sa mga pampublikong lugar partikular sa mga kalsada.

Nakikiusap naman si Lacuna sa mga deboto na makipagtulungan at sumunod sa naturang kautusan upang maging matagumpay ang pagdiriwang ng Kapistahan ng Itim na Nazareno.

Leave a Reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.