NAGSIMULA na sa pagbabakuna kontra COVID-19 ang Caloocan City government sa mga tricycle driver na ginanap sa Camarin D Elementary School.
Ayon kay Caloocan City Covid-19 Vaccination Action Officer Dra. Rachel Basa, nasa 600 tricycle drivers ang mabibigyan ng unang dose ng Moderna vaccine.
Ang inisyatibong ito ay mula sa direktiba ni Mayor Oca Malapitan na naglalayong mabigyan ng pagkakataon ang mga tricycle driver para sa dagdag na proteksyon habang sila ay naghahanapbuhay.
“Ang ating mga tricycle driver ay kabilang sa essential workers o economic frontliners. Mahalaga na maprotektahan natin sila hindi lang para sa kanilang sarili kundi para na rin sa kanilang pamilya at komunidad,” anang alkalde.