Breaking News

Share this information:

ARESTADO ang anim na sugarol kabilang ang limang babae sa isinagawang anti-illegal gambling operation ng pulisya sa Malabon City.

Tinukoy ang pagkakakilanlan sa mga dinakip na sina Joan Frejoles. 24, Dina Frejoles, 27, mananahi, Teresita Hiraban, 59, Rosemarie Montes, 21, Elizabeth Hiraban-Frejoles, 60, mananahi, at Rafael Roque, 25.

Sa isinumiteng report kay Malabon City Police Station Chief Police Col. Albert Barot, nakatanggap ang Station Intelligence Section (SIS) ng impormasyon mula sa isang Barangay Information Network (BIN) hinggil sa nagaganap umanong illegal gambling activities sa 9A Mabini St., Barangay Concepcion.

Kaagad bumuo ng team ang mga tauhan ng SIS sa pangunguna ni Police Lt. Joseph Alcazar katuwang ang Sub-Station 6 at ikinasa ang operasyon sa naturang lugar na nagresulta sa pagkakaaresto sa mga suspek.

Narekober sa kanilang posesyon ang dalawang set ng baraha at P1,040.00 bet money.

Leave a Reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.

%d bloggers like this: