Pagbabakuna sa mga buntis, ligtas ayon sa mga eksperto

SINABI ng Department of Health (DOH) na base sa rekomendasyon ng mga eksperto pagdating sa bakuna, ang mga bakuna laban sa COVID-19 ay ligtas para sa mga nagdadalang-tao at ito ay aktibong inirerekomenda para mga buntis na nasa ika-2 o ika-3 trimester

Ang mga buntis na may mataas na peligro sa kanilang ika-1 trimester ay maaari ding mabakunahan, subalit sa kondisyon na ang mga benepisyo at mga panganib ay dapat ipinaliwanag ng mabuti sa kanila at dapat ay makapag-prisinta ang mga ito ng medical clearance mula sa kanilang doktor/obstetrician-gynecologist.

Sa kasalukuyan, karamihan sa mga bakuna kontra COVID-19 na nasa bansa sa ngayon ay ligtas para sa mga buntis at mga nagpapasuso.

Dagdag ng DOH, ang tanging bakuna lamang na hindi maaaring gamitin o iturok sa mga buntis ay ang Sputnik V ng Gamaleya ng bansang Russia.

Ayon kay DOH Usec Maria Rosario Vergeire, susuriin ng ahensya ang kasalukuyang alituntunin para sa mga buntis na batay sa mga rekomendasyong ito at upang ipahiwatig na sila ay bahagi na ngayon ng pinalawak na A3 priority group.

Ang pahayag ng DOH ay kasunod ng pagrekomenda ng US Centers for Disease Control (CDC) sa pagbabakuna sa mga buntis laban sa coronavirus disease.

Leave a Reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.