Mga bakunadong Manilenyo, umabot na sa 1 milyon

UMABOT na sa isang milyong indibidwal ang nabakunahan kontra COVID-19 sa lungsod ng Maynila.

Ito ay ayon sa Manila Public Information Office batay sa datos ng Manila Health Department ngayong alas tres ng hapon kung saan umabot sa kabuuang  1,000,077 na tao na ang binigyan ng hindi bababa sa isang dose ng bakuna kontra COVID-19.

Sa bilang na ito, 667,439 ang ganap nang bakunado o “fully vaccinated” kontra COVID-19 sa lungsod.

Ayon kay Manila Mayor Francisco Domagoso, ito ay resulta ng malawakang pagbabakuna ng pamahalaang lungsod mula noong nagsimula ang pagturok ng bakuna noong Marso 2021.

Sa kasalukuyan, ang pagbabakuna sa Maynila ay ginagawa sa 19 na eskwelahan at apat na mall, maliban pa sa anim na ospital ng lungsod at ang tuloy-tuloy na “home service” na bakunahan.

Leave a Reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.