INILUNSAD ng pamahalaang lungsod ng Navotas ang house-to-house na pagbabakuna kontra sa COVID-19 upang mapaglingkuran ang mga Navoteño na hindi makapunta sa vaccination sites ng lungsod dahil sa sakit.
Nasa 30 bedridden senior na mga residente ng Barangay Tangos North at South ang nakatanggap ng kanilang unang bakuna sa kanilang bahay.
“We extended the city government’s vaccination services to bedridden Navoteños, most of whom are senior citizens, to ensure they are protected against the deadly virus,” ani Mayor Toby Tiangco.
“Even if they always remain at home, COVID-19 infection and household transmission is still possible as long as their family members are doing transactions and activities outside. We put premium on the health of Navoteños and we are willing to go the extra mile to keep them safe and well,” dagdag niya.
Nagsimula na rin ang lungsod sa pagbabakuna sa mga residente na kabilang sa A5 category o indigent population kung saan nasa 160 na mga miyembro ng Pantawid Pamilyang Pilipino Program (4Ps) ang nakatanggap na ng kanilang unang dose ng Pfizer sa Tumana Health Center.
“We are exerting all efforts for Pfizer to reach the poorest of the poor. We have sought the help of our 4Ps coordinator to bring our indigent constituents to the vaccination site,” sabi ni Tiangco.
Hanggang June 16, 56,673 mga residente at nagtatrabaho sa lungsod ang nakatanggap na ng kanilang unang jabs habang 14,667 naman ang nakakumpleto na ng kanilang pangalawang doses ng bakuna. Nasa 1,052 dito ang frontliners, 5,322 ang senior citizens, 8,240 ang persons with comorbidities, at 53 ang essential workers