Breaking News

Share this information:

INIANUNSIYO ng Department of Health (DOH) na bubuksan na ang pagbabakuna para sa general adult population laban sa COVID-19 para sa mga may edad 18 pataas.

Ayon kay DOH Spokesperson at Usec. Ma Rosario Vergeire, ito ay batay sa pahayag ni National Task Force Against COVID-19 (NTF) Chief Implementer at vaccine czar Sec. Carlito Galvez Jr. na may sapat nang suplay ng bakuna sa bansa.

Nanawagan naman si Vergeire na bagaman bubuksan na sa general adult population ang pagbabakuna laban sa COVID-19 ay mananatili pa ring prayoridad sa pagbabakuna ang mga A2 o Senior Citizen at A3 o yaong may comorbidity.

Ito ay upang masiguro ang kaligtasan ng mga nasa A2 at A3 na kategorya sa gitna ng mas malaking panganib nila mula sa seryosong sintomas ng COVID-19.

Kaugnay nito, hinikayat din ni Vergeire ang mga nakatatanda at mga may comorbidity na magpabakuna na bilang proteksyon laban sa sakit.

Ngayong linggo inaasahang mailalabas ang operating guidelines ukol sa pagbabakuna sa general adult population ayon kay Usec, Vergeire at pinaiikot na lamang ang kopya nito para sa mga kinakailangang lagda.

Leave a Reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.

%d bloggers like this: