Breaking News

Share this information:

NADAGDAGAN pa ng 411 na mga kaso ng Delta variant ang natukoy sa patuloy na isinasagawang biosurvellaince ng Philippine Genome Center (PGC) sa mga samples ng mga nagpositibo sa COVID-19.

Sa media forum, sinabi ni Department of Health (DOH) Usec. Maria Rosario Vergeire na mula sa 16,399 na samples na nasequence ng PCG, nasa 14,517 rito ang may lineage.

Kabilang na rito ang ilan pang hindi nasequence noong buwan ng Abril, Marso, Agosto at Setyembre 2021 na nasa  747.

Hanggang nitong Oktubre 8, ang kabuuan na ng Delta variant case sa bansa ay pumalo na 3,798.

May nadagdag namang 88 na kaso ng Alpha variant na nasa kabuuan nang 2,935 at 78 naman sa Beta variant na nasa kabuuan na ring 3,307.

Naitala rin na mula sa mga natukoy na variant of concerns, 946 ang mula sa mga dumating na international travelers.

Leave a Reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.

%d bloggers like this: