Breaking News

Share this information:

PINAG-AARALAN na mga eksperto ang mga pangmatagalang simtomas ng coronavirus disease o ang tinatawag na long-term symptoms.

Sa media forum, sinabi ni Department of Health (DOH) Spokesperson Usec. Maria Rosario Vergeire na may kasalukuyan nang pag-aaral ang na isinasagawa ang Philippine Council for Health Research and Development  (PCHRD) ng Department of Science and Technology (DOST) sa mga survivors ng COVID-19 na mayroong long-term symptoms.

Ayon kay Vergeire, tinawag itong “Genetics Immunological and Neurological Long-Term Consequences in Prospective COVID-19 Cohorts” kung saan kasama ang Thailand, Japan, US at Pilipinas sa nasabing pag-aaral.

Sinabi ni Vergeire na gagawin ang pag-aaral sa mga indibidwal na may long-term COVID symptoms upang ito ay mapag-aralang maigi.

Dagdag pa ni Vergeire, hihintayin pa ang resulta ng pag-aaral para mabigyan ng direksyon ang gobyerno kung ano ang gagawin pati na rin ang mga doktor.

Pagdating naman sa post-COVID long-term treatment center ay may mga ospital naman sa kasalukuyan na kayang pamahalaan ang ganitong sitwasyon.

Leave a Reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.

%d bloggers like this: