Breaking News

Share this information:

BAGAMAT nakapagtatala ang Department of Health ng pagbaba sa mga kaso ng COVID-19 sa National Capital Region at mga kalapit-probinsiya, maituturing pa ring mabagal ang paggalaw nito.

Ayon kay Dr. Alethea de Guzman ng DOH Epidemiology Bureau, mula sa 1,367 daily average reported cases nuong May 12 hanggang 18, nagkaroon ng kaunting pagbaba sa 1,049 average cases nuong May 19 hanggang 25.

Sinabi ni Dr. de Guzman na ang tinatarget ng DOH ay sumadsad pa sa limang-daan pababa ang daily average cases ng COVID-19 sa NCR tulad nang naitalang 431 kaso araw-araw nuong Enero at Pebrero ng kasalukuyang taon.

Samantala, sa Plus areas kabilang ang Cavite, Laguna, Rizal at Bulacan ay mabagal din ang pagbaba ng mga kaso na nuong May 19 hanggang 25 ay nasa 865 ang daily average pero ang target sana ng DOH ay nasa 198 cases lamang pababa tulad nuong Enero at Pebrero.

Binigyang-diin ni de Guzman na magpapatuloy lamang ang pagbaba ng mga kaso kung ang mga indibidwal, lugar-trabaho at lokal na pamahalaan ay pinananatili ang pagsunod sa health standards at protocol.

Leave a Reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.

%d bloggers like this: