Pag-empleyo sa mga nursing student, tinutulan ng mga professional nurses

TUTOL ang grupo ng mga professional nurses sa bansa sa plano ng gobyerno na mag-empleyo ng mga nursing student sa mga ospital.

Ayon sa United Private Hospital Unions of Philippines (UPHUP), hindi solusyon ang naturang balak ng gobyerno sa sinasabing shortage sa nurses.

Giit ng grupo, hindi maaaring ipagkatiwala ang kalusugan at kaligtasan ng pasyente sa mga non-professional nurse.

Hindi rin umano dapat kuning nursing aide ang mga first year nursing student dahil mapanganib lalo na at walang karanasan.

Naniniwala ang grupo na walang shortage ng nurses sa bansa dahil napakaraming nurses na wala nang balak mag-abroad dahil umaasa sila na matutupad ang pangako ng Pangulong Ferdinand Marcos Jr. na pagkakapantay-pantay ng sahod ng mga nurse sa public at private hospital ngunit hanggang ngayon anila ay naghihintay sila sa pangakong “tomorrow’ ng Pangulo.

Nalaman mula sa naturang grupo na mayroong 200,000 nurses na nasa bansa ngunit wala sa field dahil sila ay nagtatrabaho sa mga call center.

Samantala, ngayong araw ay may malaking forum ang UPHUP kung saan ilalahad nila ang tunay na kalagayan ng nursing profession sa bansa at ang mga rekomendasyon nila sa pamahalaan.

Leave a Reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.