Pag-atras, pagpapalit ng mga kandidato, wala nang extension — Comelec

Share this information:

HINDI na palalawigin pa ang extension para sa mga nais umatras  o magpalit ng kandidato para sa 2022 elections  kung saan magtatapos na ngayong araw, Nobyembre 15, 2021.

Ayon kay Commission on Elections (Comelec) Spokesperson James Jimenez, hanggang alas 5 naman ng hapon maaaring makapag-withdraw o mag-substitute ang mga partido.

No extensions, no additional day, just today,” pahayag ni Jimenez.

Sa kabilang banda, nakakalat naman ang pulisya sa Comelec building upang maiwasan na maulit muli ang nangyari noong Sabado nang maghain ng Certificate of Candidacy (COC) si Senator Bong Go sa presidential race matapos nitong umatras sa kanyang vice presidential bid.

Last Saturday most of our security forces were deployed towards the back of the building where the designated entrance for candidates were but now we’re deploying our security forces pretty much all over the place. Just to make sure if anyone comes today to take advantage of the last day of withdrawals then we’ll be ready for them,” paliwanag ng tagapagsalita ng komisyon.

Inaasahan din na maghahain ng COC ngayong araw  para sa vice president si Pangulong Rodrigo Duterte, gayundin si Presidential Spokesperson  Harry Roque na tatakbo naman sa pagka-senador.

Tungkol naman sa mga nalabag na health protocol, binanggit niya na pinag-aaralan ng kanilang security committee ang nangyari.

One of the things that we did see was social distancing really all but evaporated with the crush of people who were coming in. Most of them were masked anyway but still you want to keep a good distance between individuals and that’s what we saw,” dagdag pa nito. 

Samanatala, naghain din ng withdrawal at substitution ng lahat ng nominies ang Moro Ako – OK Party List .

Naghain din ng withdrawal at substitution ng lahat ng nominees si Liceria Napita, Deputy Secretary General ng Kapamilya Party-list.

Si Loreto Tenolete, Jr. ng Katipunan ng Demokratikong Pilipino ay umatras na rin sa kanyang kandidatura sa pagkasenador matapos nitong mag-withdraw.

Ngayong araw, kabilang na sa naghain ng COC para sa senador si dating Philippine National Police (PNP) Chief Gen. Guillermo Eleazar  sa ilalim ng Partido para sa Demokratikong Reporma kung saan papalitan nito si  Paolo Capino  na nagwithdraw naman noong Biyernes.

Leave a Reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.

Next Post

Mga taga-suporta ni Mayor Sara, dumagsa sa Comelec

Mon Nov 15 , 2021
DUMAGSA ang mga supporters ni Davao City Mayor Sara Duterte-Carpio na maagang nagtipon-tipon salabas ng tanggapan ng Commission on Elections o Comelec. Mula pa sa Rizal, Pasig at Quezon City ang mga supporters ng mayor, na dumating sa Intramuros at pawang umaasa sa pagdating ng presidential daughter bagamat nakapaghain na […]
%d bloggers like this: