Mga taga-suporta ni Mayor Sara, dumagsa sa Comelec

Share this information:

DUMAGSA ang mga supporters ni Davao City Mayor Sara Duterte-Carpio na maagang nagtipon-tipon sa
labas ng tanggapan ng Commission on Elections o Comelec.

Mula pa sa Rizal, Pasig at Quezon City ang mga supporters ng mayor, na dumating sa Intramuros at pawang umaasa sa pagdating ng presidential daughter bagamat nakapaghain na ito ng kanyang substitution noong Sabado para sa vice president.

Kaugnay nito, nagdagdag na ng tauhan ang Manila Police District (MPD) Station-5 para masigurong masusunod ang health protocols tulad ng physical distancing at pagsusuot ng face mask.

Nais ng pamunuan ng MPD na masiguro ang seguridad sa loob at labas ng Comelec sa inaasahan pang pagdagsa ng mga supporters ng iba pang pulitiko na nais tumakbo sa pagka-pangulo, pagka-pangalawang pangulo, senador at kinatawan para sa party-list.

Sa kabila nito, patuloy na nananawagan ang Comelec sa ibang maghahain ng kanilang withdrawal at substitution na huwag nang magsama pa ng mga supporters upang maiwasan ang hawaan ng COVID-19.

Leave a Reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.