NBI, nakikipag-ugnayan na sa Makati Medical Center para sa Dacera case

Share this information:

Nakikipag-ugnayan na ang National Bureau of Investigation (NBI) sa Makati Medical Center hinggil sa recovered tissues sa katawan ng flight attendant na si Cristine Dacera, na natagpuang patay sa loob ng isang hotel sa Makati noong Bagong Taon.

Matapos ang ginawang re-autopsy sa bangkay ng flight attendant, susuriin na rin ng NBI digital forensic team ang data sa mga cellphone ng mga persons of interest.

Sa ngayon ay hindi pa nailalabas ng NBI ang resulta ng ginawang eksaminasyon sa labi ni Dacera.

Matatandaan na tumulak ang NBI sa General Santos City upang magsagawa ng re-autopsy sa bangkay ni Dacera para sa hiwalay o parallel investigation na ginagawa ng ahensya .

Sa kanilang pagsusuri, sinabi ni NBI Deputy Director Atty. Ferdinand Lavin na may krimeng nangyari sa pagkamatay ni Dacera at mayroon na silang interesting leads at encouraging results.

Leave a Reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.

Next Post

Three NPA fronts dismantled by the military

Mon Jan 18 , 2021
CAMP CAPINPIN, TANAY, RIZAL–Three known guerilla fronts of the New People’s Army (NPA) in Southern Tagalog were dismantled recently through an intensified campaign of the government against the rebel group. 2nd Infantry Division Spokesperson Captain Jayrald Ternio said that the identified NPA fronts are Platoon Japson of SRMA 4-B Quezon, Platoon […]

Follow Us

%d bloggers like this: