Breaking News

Share this information:

SA kabila ng pagpapatupad ng online distance learning sa gitna ng pandemya, ang Guangzhou City at Anvil Business Club ay nagdonate ng school supplies na nagkakahalaga ng P6 milyon para sa 10,000 estudyante ng mga pampublikong paaralan sa pamahalaang lungsod ng Maynila.

Mismong si Manila Mayor Francisco Domagoso ang tumanggap sa nasabing donasyon bilang tanda ng magandang relasyon at pagkakaisa ng lungsod ng Guangzhou sa Pilipinas at sa lungsod ng Maynila na sister city ng southern China.

Ang Anvil Bussiness Club ay isang business and civic organization na binubuo ng mga kabataang Filipino-Chinese entrepreneurs sa pangunguna ni Chairman Wilson Lee Flores, President Hubert Chua, EVP Kenneth Dee at VP Richmond Co.

Ayon kay Domagoso, ang ibinigay na donasyon ng Anvil ay magagamit at mapapakinabangan ng mga mag-aaral sa day-care upang mahasa pa ang kanilang “muscle memory writing” dahil na rin sa pandemya at ang umiiral ngayon na distance leraning.

Ibibigay aniya ang mga donasyong ito sa social welfare office ng lungsod upang sila ang mamahagi sa mga mag-aaral ng day-care.

Nagpapasalamat din ang alkalde na ipnagkaloob na school supplies sa mga bata ng Anvil dahil malaki aniya ang maitutulong nito lalo pa at ang ginagamit ngayon ng mga bata na ipinagkaloob ng pamahalaang lungsod ng Maynila ay mga tablet.

“It is better than nothing,” pahayag pa ni Domagoso nang tanggapin nito ang milyong halaga ng school supplies. 

Leave a Reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.

%d bloggers like this: