P6.7-B shabu cover-up, may sindikato – Sen. Go

Share this information:

NAGPAHAYAG ng panghihinayang ang isang senador sa nasimulan ni dating Pangulong Rodrigo Duterte na kampanya laban sa iligal na droga 

Naniniwala si Senate Committee on Health Senator Bong Go na may sindikato sa likod ng cover-up na ito kung saan aniya ay pabalik-balik na lang ang mga katanungan, pahayag nito makaraang tanungin ng media sa public hearing sa senado tungkol sa P6.7 bilyong shabu cover-up sa isang drug bust sa Maynila noong Oktubre.

Sa tingin ng aming Chairman Bato –siya nakasubaybay doon medyo may sindikato talaga. Wala na po yung takot tulad noon. Ako po ay nasasayangan sa inumpisahan ni dating  Pangulong Rodrigo Duterte na laban sa illegal na droga,” pahayag pa ng senador .

Aniya kapag bumalik ang ilegal na droga ay babalik din ang korapsyon sa gobyerno.

Binigyan diin ni Senator Go na dapat may kamay na bakal sa kapulisan upang matakot ang mga nasasangkot sa ilegal na droga.

Kakaunti lang mga ‘yan…mas marami po ang matitinong pulis kaya full support po ako sa ating kapulisan basta trabaho ka lang–dati pa full support kami sa pulis at military lalong-lalo na in line of duty,” saad nito.

Dapat aniyang alisin at kasuhan ang mga bulok na pulis dahil kapag napasukan ng sindikato at pumasok ang droga ay delikado.

Naniniwala rin si Senator Go na kasabwat sa sindikato ang mga nagcover-up sa nasabing operasyon .

Ayon sa senador, suportado nito ang layunin ni Senator Ronald “Bato” Dela Rosa  na malaman ang katotohanan bilang peace and order committee sa Senado.

Leave a Reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.