Claimant ng nasabat na P2.1-M Ketamine, timbog

Share this information:

INARESTO ng mga tauhan ng Bureau of Customs (BOC)-Port of Clark, kasama ang Customs Anti-Illegal Drugs Task Force (CAIDTF) at Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA), ang claimant ng Ketamine na nagkakahalaga ng P2,120,000 noong Mayo 18, 2023.

Ang kargamento na sinasabing naglalaman ng tsokolate ay agad na isinalang sa physical examination kung saan natuklasan ang isang glass container na puno ng mga white crystalline substance na nakasilid sa loob ng garapon ng Imperial Rose Scented Candle.

Kinumpirma naman sa PDEA chemical laboratory analysis na ang sample ay Ketamine, isang dangerous drug sa ilalim ng Republic Act (RA) No. 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.

Agad na nag-isyu ang BOC ng Warrant of Seizure and Detention laban sa kargamento matapos makitaan ng probable cause para sa paglabag sa  Customs Modernization and Tariff Act na may kaugnayan sa RA No. 9165 o ilegal na droga.

Nagsagawa ng joint controlled delivery ang mga tauhan ng Port at PDEA sa importer address sa Pasig City na nagresulta ng pagkakadakip sa 23 taong gulang na lalaking claimant.

(PHOTO CREDIT: Bureau of Customs)

Leave a Reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.