Breaking News

Share this information:

NAPIGILAN ang pagpasok sa merkado ng mga imported na sigarilyo mula China nang maharang ang tangka sanang pagpapalusot nito sa Tagoloan, Misamis Oriental.

Aabot sa 30-milyong piso ang halaga ng mga imported na sigarilyo na idineklarang mga personal effects o personal na kagamitan para makaiwas sa pagbabayad ng tamang buwis ang nadiskubre ng mga awtoridad.

Bukod sa mga sigarilyo, kasama sa kontrabando ang mga sapatos na kinumpiska ng Customs Cagayan De Oro.

Iniimbestigahan naman ang nakatalang consignee ng kontrabando na nagngangalang Lorna Oftana ng General Santos City at ngayo’y nahaharap sa kasong paglabag sa Republic Act 10863 o ang Customs Modernization and Tariff Act (CMTA).

Leave a Reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.

%d bloggers like this: