Breaking News

Share this information:

BINIGYAN na ng Philippine National Police (PNP) ng access o pahintulot na mabusisi ng Department of Justice ang mga record patungkol sa madugong giyera ng pamahalaan laban sa ilegal na droga sa bansa.

Bahagi ito ng pagsisiyasat ng inter-agency panel sa kontrobersyal na anti-drug war campaign ng gobyerno.

Ayon kay Justice Secretary Menardo Guevarra, mga record patungkol sa 61 kaso na natukoy ng PNP Internal Affairs Service na may administratibo at kriminal na pananagutan ang law enforcement agents ang partikula na nais nilang masilip.

Sinabi ni Gueverra na naging pahirapan nuon ang pagsusuri sa mga record sa PNP at malaking bagay na napayagan ito ngayon sa ilalim ng liderato ni PNP Chief General Guillermo Eleazar.

“What is significant right now is that the DOJ has been given free access, something that did not happen in previous years, thereby making our review rather difficult,” ani Guevarra.

“The DOJ, however, will continue to examine case records available from its regional prosecution offices other than those covered in its initial report,” dagdag nito.

Nauna nang nakipagpulong si Guevarra kay Eleazar at kanilang napagkasunduan ang pagtutulungan para sa pagbusisi ng illegal drug operations na may namamatay o napapatay gayundin ang sinasabing extrajudicial killings.

Sinabi ni Gueverra na nagpakita rin ng hangarin si Eleazar na makipagtulungan sa DOJ upang madisiplina o matanggal sa serbisyo ang mga bulok na miyembro ng PNP.

“General Eleazar expressed his sincere intention to cooperate with the DOJ in order to remove or discipline wrongdoers among the ranks of the police and thereby uplift the image of the PNP as protectors of the people. The DOJ and the PNP will execute a formal memorandum to embody this agreement,” dagdag pa ni Guevarra.

Leave a Reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.

%d bloggers like this: