P13.8M na shabu, nasabat ng BOC-Clark, NAIA

Share this information:

NABIGONG maipuslit sa bansa ang P13.8-milyong halaga ng shabu na nakatago sa loob ng mga sports jug matapos masabat ng Bureau of Customs (BOC)- Port of Clark at Ninoy Aquino International Airport (NAIA).

Nadiskubre ang ilegal na droga sa kargamento na sinasabing naglalaman ng “microserver double stairless ceramic” na dumating sa bansa noong Enero 2 mula Bangkok, Thailand.  

Dahil kahina-hinala, dumaan ito sa physical examination na nagresulta sa pagkakadiskubre ng apat na piraso ng 3-liter stainless sport jug na naglalaman ng white crystalline substances na nakabalot naman ng plastic at aluminum foil. 

Nakumpirma rin ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) na ito ay ilegal na droga kaya agad naglabas ng Warrant of Seizure and Detention.

Bunsod nito,nagsagawa ang Port of Clark, NAIA, at PDEA ng joint delivery operations kaya naaresto ang dalawang claimants sa Pasay City na hindi pinangalanan ng BOC.

Leave a Reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.