P124 milyon halaga ng smuggled goods, nasabat sa Bataan

Share this information:

Umaabot sa humigit-kumulang P124 milyon na halaga ng smuggled goods ang nasabat ng Bureau of Customs (BOC) sa isang private port sa Brgy. Sta. Elena, Orion, Bataan, Huwebes ng umaga.

Sa inisyal na ulat mula kay Bureau of Customs, Port of Limay District Collector Atty. William Balayo, tinatayang nasa 20,000 sako ng Vietnam rice na nagkakahalaga ng P50 milyon at P74 million halaga ng smuggled na sigarilyo ang nasabat ng BOC. 

Nasakote ang 50 katao na nasa aktong nagdidiskarga ng mga smuggled goods.

Sa isinagawang inquest proceedings sa Orion Dockyard na pinangunahan ni Bataan Provincial Prosecutor’s Office Chief Sonny Ocampo, ipinaliwanag sa mga nadakip ang kasong isasampa sa kanila.

Kasong paglabag sa Customs Modernization and Tariffs Act o ang pagpasok o smuggle ng mga produkto ng hindi nagbabayad ng karampatang buwis sa gobyerno ang isasampang kaso laban sa limampung katao na naaresto.

Samantala, ayon sa ilang nadakip, nanggaling pa umano sila sa iba’t ibang lalawigan at narecruit para makasampa sa naturang cargo vessel bilang bahagi ng kanilang on the job training o OJT at nagbayad pa kada ulo ng P35,000.

Nasa kustodiya sila ngayon ng Customs Police para sa karampatang dokumentasyon.

Leave a Reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.

Next Post

Maynila, magsasagawa ng survey sa vaccine para sa medical frontliner nito

Thu Feb 25 , 2021
Magsasagawa ng survey ang pamahalaang lungsod ng Maynila para sa mga medical frontliner ng siyudad. Ang inisyatibong ito ni Manila Mayor Francisco “Isko Moreno” Domagoso, ayon kay Cesar Chavez, ang chief of staff ng alkalde, ay upang malaman kung anong COVID-19 vaccine ang nais na matanggap ng mga health care workers. […]

Follow Us

%d bloggers like this: