Imbestigasyon, panawagan ng grupo sa pagpapaturok ni Tulfo, iba pang opisyal

Share this information:

Kasunod ng tahasang pag-amin ni Special Envoy to China Ramon Tulfo na naturukan na ng Covid-19 Sinopharm vaccine kasama ang iba pang opisyal, ang Coalition for People’s Right to Health o CPRH ngayon ay nananawagan ng masusing imbestigasyon.

Ayon sa CPRH, dapat magkaroon ng patas na imbestigasyon ang Food and Drug Administration o FDA sa VIP COVID-19 vaccination sa mga opisyal ng gobyerno.

Sinabi ng isang co-convenor ng CPRH na si Dr. Josh San Pedro na nakakalungkot na mayroong VIP vaccination lalo’t maraming health care workers ang patuloy na nag-aabang sa mga bakuna.

Dismayado rin ang doktor lalo pa’t ang Sinopharm ay hindi dumaan sa proseso o hindi awtorisado ng FDA na gamitin  sa pagtuturok.

Kailangan umanong malaman ang katotohanan sa nangyaring VIP vaccination upang makampante ang mga mamamayan.

Mahalaga rin aniyang magtiwala ang publiko sa vaccination program ng pamahalaan kaya marapat na siyasatin ng FDA ang usapin nang walang pagtatakpan.

Leave a Reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.