Ospital ng Sampaloc, puno na; ibang ospital sa Maynila; mapupuno na rin

NASA 107 porsyento nang okupado ang inilaang mga kama para sa mga pasyente ng COVID-19 sa Ospital ng Sampaloc sa Maynila.

Batay ito sa datos na ibinahagi ng Manila Public Information Office kung saan ang COVID beds sa naturang ospital ay 30 ngunit lumagpas na ito sa 32 na higit pa sa kapasidad para sa COVID-patients.

Dahil puno na ang COVID ward, ang iba naman ay naghihintay na lamang sa emergency room.

Ang ilan namang pasyente na naghihintay din sa mga tent na inilagay sa labas ng ospital.

Maging ang Manila COVID-19 Field Hospital sa Luneta ay 92 porsyento nang okupado ang kanilang COVID wards.

Sa inilaang 344 na mga kama doon, mayroon nang 318 na pasyente na naka-admit. sa naturang field hospital.

Sa Gat Andres Bonifacio District Hospital naman, mula sa 75 kama nito ay nasa 65 na ang okupado o 87 percent habang sa Ospital ng Tondo, ang 18-bed capacity ay 16 na ang okupado o 89 percent.

Dahil sa mabilis na pagtaas ng mga kaso ng COVID-19, maraming mga ospital ay okupado na ang mga COVID ward nito.

Lahat ng ospital sa lungsod ayon kay Manila Health Department Chief Dr. Arnold Pangan ay marami na ring mga pasyente na tinatamaan ng COVID-19.

(PHOTO CREDIT: wikimapia.org)

Leave a Reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.