DOLE Chief, nagpositibo sa COVID-19

Share this information:

ISA na namang naglilingkod sa pamahalaan ang tinamaan ng nakakahawang sakit na COVID-19.

Nagpositibo rin sa COVID-19  si Department of Labor and Employment (DOLE) Secretary Silvestre Bello III.

Napag-alamang si Sec. Bello ay asymptomatic.

Si Sec. Bello ay fully vaccinated na at ngayon ay naka quarantine na sa kanyang hometown sa Ilagan matapos siyang magpatest noong Sabado subalit patuloy pa ding nagta-trabaho.

Bago mahawa ng virus, abala sa pagtanggap ng bisita at mga opisyal ang kalihim sa kanyang opisina  at bumiyahe pa sa ilang mga lugar sa bansa bilang bahagi ng kanyang mga tungkulin..

Nagpasalamat naman sa publiko si Sec. Bello para sa pagdarasal, at pagpapahayag ng suporta, na may pag-asa na ipagpapatuloy ng iba pang opisyal ng DOLE ang pamamahagi ng mga assistance funds sa ilalim ng serbisyong TUPAD hanggang sa oras na matapos na ang kanyang quarantine period.

Pinaalalahanan din nito ang publiko na manatiling sumunod sa minimum public health and safety standards para mapigilan ang pagkalat ng virus 

Leave a Reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.